Isinagawa noong March 13, 2026 sa The Island Red Hotel, Virac, Catanduanes ang Youth Leadership Training on Disaster Management na naglalayong palakasin ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng disaster preparedness at community resilience.

Dinaluhan ito ng mga youth participants kasama sina Ms. Maria Ada I. Condeno, LYDO Designate; FO1 Carl Jay Mendoza, BFP Representative; Ms. Gina T. Olfindo, Nutrition Officer III; Mr. Noel B. Garcera Jr., MDRRMO; Mr. Jonathan R. Sales, Local DRRM Officer II; at Jinnah D. Bernardino, SK Municipal Federation President (SKMFP).

Sa pamamagitan ng mga talakayan at learning sessions, kabilang ang lecture ni Ms. Condeno na pinamagatang โ€œEmpowering Youth as Catalysts for Community Resilience,โ€ hinikayat ang mga kalahok na maging aktibong lider sa pagpapalaganap ng kaalaman sa disaster preparedness at pagtugon sa mga emerhensiya sa kanilang komunidad.