
Isinagawa noong March 16, 2026 ang Project Orientation para sa Second Batch ng Cash for Work Program sa ilalim ng Supporting Affected Farmers and Fisherfolk for Enhanced Anticipation and Disaster Resilience (SAVE) initiative.
Pinangunahan ito nina Adan Kristoffer Monterde, Area ManagerโConsultant, kasama si Andrew Talion, Project Officer, at ang kanilang team, na dinaluhan ng mga farmer at fisherfolk beneficiaries mula sa Barangay Balognonan, Barangay Del Norte, at Barangay Hiyop sa Municipality of Pandan.
Layunin ng orientation na ipaliwanag sa mga benepisyaryo ang layunin, alituntunin, at implementasyon ng Cash for Work Program, na naglalayong makatulong sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng kalamidad habang pinapalakas ang kanilang kakayahang makabangon.



