
Matagumpay na isinagawa noong March 10, 2026 sa Municipal Evacuation Center ang 10th Provincial Information, Anti-Illegal Drugs, and Technical Working Group Conference Meeting sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Joceric O. Dela Peรฑa, Deputy Provincial Director for Operations (DPDO), at ni Police Lieutenant Colonel Ma. Cecilia R. Zuniga ng PNP/CATPPO.
Sa pulong na ito, nagkaroon ng talakayan at koordinasyon hinggil sa mga update, plano, at mga hakbang upang mas mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga. Layunin din nitong patibayin ang ugnayan ng mga ahensya at matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa isyu ng ilegal na droga sa komunidad.



