
Noong March 12, 2026, isinagawa sa Pandan Evacuation Center ang pamamahagi ng indemnification assistance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa mga magsasakang naapektuhan ng pinsala sa pananim, livestock, at fisheries dulot ng Typhoon Uwan.
Pinangunahan ang distribusyon ni Mr. Joe E. Bermejo, PCIC Staff, sa tulong ng Municipal Agricultural Services Office (MASO) Personnel.
Umabot sa 221 farmer-beneficiaries ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng PCIC insurance program, na may kabuuang halaga na mahigit โฑ1,493,450.43. Layunin ng programang ito na makatulong sa pagbangon ng mga magsasaka mula sa mga pagkalugi sa agrikultura at masuportahan ang kanilang kabuhayan.



