Matagumpay na isinagawa sa Bayan ng Pandan ang Supervisory Visit para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) R.I.S.E. Year 3, Sub-LGRRC, at PPA Monitoring Rounds noong ika-3 ng Marso 2026.

Sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Honesto C. Tabligan II at Municipal Vice Mayor Hon. Eric T. Rodriguez, kasama ang suporta ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, muling ipinakita ng LGU Pandan ang matibay nitong paninindigan sa transparency, accountability, at patuloy na kahusayan sa pamamahala.

Sa gabay ng DILG Catanduanes Provincial Team, naging mahalagang pagkakataon ang aktibidad upang mapalakas pa ang mga umiiral na sistema, matugunan ang mga kakulangan, at higit pang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo para sa kapakanan ng bawat Pandananon.