
Isinagawa noong March 17, 2026 sa Municipal Evacuation Center, Municipality of Pandan ang isang consultative meeting kaugnay ng paghahanda para sa Pandan Dinahit Festival.
Pinangunahan ito ni Municipal Tourism Officer Designate Lady Lyn Aguilar, kasama ang mga Barangay Officials, SK Municipal Federation (SKMF) officers, at mga Heads of Offices ng LGU Pandan. Layunin ng pulong na talakayin ang mga plano, mangalap ng mga suhestiyon, at palakasin ang koordinasyon upang matiyak ang matagumpay na pagdiriwang ng pista.



