Isinagawa noong March 18, 2026 sa Pandan Seashore Park, Municipality of Pandan ang isang Coastal Clean-Up Activity bilang paghahanda sa nalalapit na Dinahit Festival.

Dinaluhan ito ng mga empleyado ng LGU Pandan, BFP, PNP, MENRO, mga miyembro ng Bantay Dagat CCAD Association, at mga kasapi ng komunidad. Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng baybayin, maprotektahan ang kapaligiran, at mapalawak ang kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan.