
Isinagawa noong May 06, 2026 sa Evacuation Center, LGU Pandan ang isang Mobile Blood Donation Activity sa pangunguna ng Local Municipal Blood Council at Rural Health Unit of LGU Pandan, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH), Provincial Health Office, Pandan District Hospital, at iba pang katuwang na ahensya.
Layunin ng aktibidad na matiyak ang sapat at ligtas na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan, masuportahan ang mga emergency at medical needs ng komunidad, at mahikayat ang boluntaryong pagdo-donate ng dugo. Sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon ng mga kalahok na ahensya, naisagawa ang donor screening at blood collection alinsunod sa itinakdang health protocols.






