
Noong March 6, 2026, pinangunahan ni Municipal Mayor Hon. Honesto C. Tabligan II ang pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang fuel supplier na si Mr. Jose Antonio A. Interno sa Office of the Municipal Mayor, Pandan, Catanduanes.
Ang kasunduang ito ay naglalayong matiyak ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng fuel na kinakailangan para sa operasyon ng municipal vehicles, heavy equipment, at iba pang gawain ng lokal na pamahalaan, bilang suporta sa patuloy na pagbibigay ng maayos na serbisyo sa komunidad.



