
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month, isinasagawa ng Local Government Unit (LGU) of Pandan ang On-going Women’s Month Mini Trade Fair mula March 16–20, 2026 sa Municipal Lobby, Municipality of Pandan.
Tampok sa aktibidad ang iba’t ibang lokal na produkto at likha ng mga kababaihang negosyante at exhibitors, na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong maipakita at maibenta ang kanilang mga produkto sa publiko. Layunin ng programa na palakasin ang women empowerment at suportahan ang kabuhayan ng mga kababaihan sa komunidad.




