Isinagawa noong May 12, 2026 sa Local Government Unit of Pandan ang isang Exit Conference hinggil sa Annual Audit Report para sa Calendar Year 2025, kung saan tinalakay ang mga audit findings, observations, recommendations, at compliance status ng LGU.

Dinaluhan ito ng mga opisyal at department heads ng LGU Pandan sa pangunguna ni Mayor Honesto C. Tabligan II, kasama ang mga kinatawan mula sa Commission on Audit (COA).

Layunin ng aktibidad na pormal na ipresenta at linawin ang resulta ng audit report, tiyakin ang transparency at accountability sa operasyon ng pamahalaan, at tugunan ang mga rekomendasyon para sa mas maayos na financial management at paghahatid ng serbisyo publiko. Sa pamamagitan ng pormal na presentasyon at talakayan, nagbigay ng tugon at paglilinaw ang LGU at naglatag ng mga hakbang para sa pagsunod at implementasyon ng mga rekomendasyon ng COA.