
Isinagawa noong May 07, 2026 sa Honest Conference Room, Office of the Mayor ang isang emergency meeting hinggil sa disaster preparedness and response sa inaasahang pagpasok ng Tropical Storm “HAGUPIT.”
Pinangunahan ito ni Mayor Honesto C. Tabligan II, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga kawani ng MDRRMO, mga department heads, at iba pang kinauukulang ahensya.
Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang mga paghahandang hakbang at koordinasyon upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga residente, imprastruktura, at kabuhayan sa harap ng posibleng epekto ng bagyo. Tinalakay sa pulong ang pinakabagong lagay ng panahon, kahandaan sa paglikas, mga disaster response protocols, monitoring procedures, at mobilisasyon ng mga response teams para sa agarang pagtugon sa anumang emergency.




