Isinagawa mula March 9โ€“11, 2026 sa Island Red Hotel ang GFPS Capacity Building Training on the GAD Agenda na nakatuon sa Gender and Development (GAD) Planning and Budgeting.

Pinangunahan ang pagsasanay ni Dr. Mary Ruth V. Pardo, Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC), kasama ang mga head of offices at mga miyembro ng Gender and Development Focal Point System (GFPS).

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga miyembro ng GFPS sa paghahanda at pagpapatupad ng mga GAD Plans and Budgets, upang matiyak ang pagpapatupad ng mga programang at proyektong tumutugon sa gender-responsive development sa munisipalidad.

Sa pamamagitan ng mga talakayan, gabay, at capacity-building activities na pinangunahan ni Dr. Pardo, higit pang napalalim ang pag-unawa ng mga kalahok sa kahalagahan ng GAD planning at budgeting sa pagpapabuti ng mga serbisyo at programa para sa komunidad.