
Isinagawa noong May 06, 2026 sa Jose O. Vera Park ang pamamahagi ng food pack assistance sa mga miyembro ng PACTODA, Habal-Habal drivers, at Padyak operators sa ilalim ng Presidential Assistance Program, sa pangunguna ng Local Government Unit of Pandan na pinamumunuan ni Mayor Honesto C. Tabligan II.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng tulong at ginhawa sa mga manggagawa sa sektor ng transportasyon upang maibsan ang kanilang araw-araw na gastusin na apektado ng mga hamong pang-ekonomiya. Sa pamamagitan ng isang maayos na programa at koordinasyon ng LGU kasama ang mga kinauukulang ahensya at sektor na kinatawan, matagumpay na naipamahagi ang mga food packs sa mga benepisyaryo.





