Nagsagawa ng talakayan noong March 23, 2026 ang mga kawani ng DSWD Region V, sa pangunguna nina Ms. Mary Joy Bataller, Community Engagement Coordinator, at Ms. Marisol S. Codillo, kasama si Mayor Honesto C. Tabligan II, hinggil sa implementasyon ng Food Redemption Walang Gutom Program sa Municipality of Pandan.

Ang programa ay isasagawa sa pakikipag-ugnayan sa retailer na AB Bolata Enterprises upang matiyak ang maayos na pamamahagi ng tulong pagkain sa mga benepisyaryo.