
Isinagawa kamakailan sa Office of the Mayor, Municipality of Pandan ang isang courtesy visit ng mga miyembro ng Retooled Community Support Program (RCSP) Facilitators na pinangunahan ni Uldarico S. Razal Jr. mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama ang kanyang team, kay Mayor Honesto C. Tabligan II.
Layunin ng pagbisita na palakasin ang koordinasyon at ugnayan sa pagpapatupad ng RCSP, isang participatory initiative na naglalayong tukuyin ang mga isyu ng komunidad at maihatid ang mga serbisyo ng pamahalaan sa antas ng barangay, lalo na sa mga conflict-affected at underserved areas.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang mga inisyatiba para sa pagpapaunlad ng komunidad at ang epektibong paghahatid ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan sa mga barangay ng Porot, San Isidro, San Roque, Tabugoc, at Wagdas, bilang bahagi ng patuloy na RCSP implementation at community engagement efforts.






