Noong May 06, 2026, isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Express Permitting on Wheels, isang inisyatibong naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa publiko sa pamamagitan ng mas mabilis at mas madaling pagproseso ng mga environmental permits.

Sa pakikipagtulungan ng mga Local Government Units (LGUs), MSMEs, at iba pang project proponents, nagbigay ang DENR ng on-site permitting services upang mabawasan ang pagkaantala sa pagproseso ng mga permit at mapadali ang pagkuha ng kinakailangang dokumento para sa iba’t ibang proyekto at negosyo. Sa pamamagitan ng mobile permitting teams, direktang naihatid ang serbisyo sa mga komunidad nang hindi na kinakailangang bumisita pa sa mga tanggapan ng DENR.