Noong March 7, 2026, nagsagawa ng outreach activity ang mga kinatawan ng Christ Commission Fellowship Ministries, Inc. sa pangunguna nina Pastor Alex Daraug, Mr. Jon Briones, at Mr. Kenneth Billedo sa Barangay Hiyop, Municipality of Pandan.

Sa nasabing gawain, 700 food packs ang ipinamahagi upang makatulong sa mga pamilyang nangangailangan sa komunidad. Bahagi ito ng kanilang patuloy na programa ng pagtulong at paglilingkod na naglalayong palakasin ang komunidad sa pamamagitan ng faith-driven initiatives na nagtataguyod ng leadership, mabuting asal, at positibong pagpapahalaga sa buhay.