Isinagawa ng Local Government Unit of Pandan, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at sa pakikipagtulungan ng Municipal Treasury Office, ang 1st Quarter 2026 Social Pension Payout para sa 1,869 senior citizen beneficiaries sa mga upland barangays ng munisipyo.

Ang regular na pamamahagi ng pensiyon ay ginanap mula March 24–26, 2026, habang ang release ng mga hindi nakuhang stipend ay isinagawa noong March 30, 2026, upang matiyak na lahat ng benepisyaryo ay mabibigyan ng kanilang karampatang tulong pinansyal.