Isinagawa ngayong araw, Hunyo 28, 2025, ang Emergency First Aid Training para sa mga miyembro ng Pandan Tricycle Operators and Drivers Association (PACTODA) sa lobby ng Munisipyo ng Pandan.

Ang pagsasanay ay isinagawa ng Philippine Red Cross โ€“ Virac Chapter upang bigyang-kaalaman ang mga drivers ukol sa mga pangunahing hakbang sa pagtugon sa mga sitwasyong pang-emergency.

Suportado ang aktibidad na ito ni Mayor Raul E. Tabirara, na isa ring Board of Director ng Philippine Red Cross, at ng MDRRMO sa pangunguna ni Sir Noel Garcera.

Bukod dito, binigyan din sila ng first aid kits. Layon ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga tricycle driver bilang mga frontliner sa kalsada na maaaring makatugon agad sa oras ng sakuna o aksidente.