
Isinagawa noong April 29, 2026 ang isang Zoom meeting kasama ang mga opisyal ng Pandan Cassava Federation, ang Technical Working Group (TWG) for Cassava, si Mayor Honesto C. Tabligan II, at ang Philippine Rural Development Project (PRDP) team upang talakayin at i-follow up ang mga kinakailangang dokumento para sa project processing at support.
Layunin ng pagpupulong na matiyak ang kumpleto, maayos, at napapanahong pagsusumite ng documentary requirements na kailangan para sa pag-apruba at implementasyon ng proyekto sa ilalim ng PRDP.
Sa pamamagitan ng online coordination meeting, nirepaso ng mga kalahok ang mga kinakailangang dokumento, nagbigay ng updates, nilinaw ang mga concerns, at nagtalaga ng mga responsibilidad upang mapabilis ang proseso ng pagsusumite at pagpapatupad ng proyekto.




