
Naging tampok noong April 21, 2026 sa Jose O. Vera Park ang Talents Night bilang bahagi ng pagdiriwang ng Dinahit Festival 2026, kung saan ipinakita ng mga kalahok ang kanilang husay sa pag-awit, pagsayaw, at iba pang natatanging talento.
Layunin ng aktibidad na magbigay aliw sa komunidad, maipakita at mapalakas ang suporta sa mga lokal na talento, at hikayatin ang mas aktibong partisipasyon at pagkakaisa ng mamamayan sa pagdiriwang ng pista.
Sa pamamagitan ng mga inihandang stage performances, naging makulay at masigla ang gabi habang ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kakayahan at talento sa harap ng komunidad.






