Isinagawa noong April 28, 2026 sa SB Session Hall ang Supplementary Feeding Program (SFP) Orientation para sa mga Child Development Workers (CDWs) kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sina Andrea L. Ubalde, Nicole Marie M. Bandojo, at Raymond C. Colayo.

Nakatuon ang orientation sa tamang paghahanda ng hot meals at implementasyon ng milk feeding para sa mga bata sa ilalim ng National Feeding Program. Layunin nitong mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga CDWs sa wastong food handling, nutrition education, at meal planning upang makatulong sa pagbawas ng malnutrition sa mga kabataan.

Sa pamamagitan ng mga orientation sessions, talakayan, at training activities na pinangunahan ng DSWD facilitators, tinalakay ang mga alituntunin at proseso ng feeding program upang masiguro ang maayos at epektibong pagpapatupad nito sa komunidad.