
Isinagawa noong April 24, 2026 sa Barangay Del Sur ang Ribbon-cutting Ceremony ng First Catanduanes Electric Cooperative, Inc. (FICELCO) na pinangunahan ni Mayor Honesto C. Tabligan II kasama ang mga opisyal ng kooperatiba.
Layunin ng aktibidad na pormal na pasinayaan ang pasilidad ng FICELCO bilang bahagi ng pagpapalakas at pagpapabuti ng serbisyo ng kuryente sa komunidad.
Sa pamamagitan ng ceremonial ribbon-cutting, naging simbolo ito ng opisyal na pagbubukas at pagsisimula ng operasyon ng pasilidad, na inaasahang magdadala ng mas maayos at mas matatag na serbisyo para sa mga residente ng barangay at karatig na lugar.\





