Isinagawa noong April 8, 2026 sa Honest Conference Room ang orientation at planning session para sa paghahanda ng 2027 Annual Investment Plan (AIP) at talakayan hinggil sa Republic Act No. 12009 at procurement process.

Dinaluhan ito ng mga Department Heads, Division Chiefs, at mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) upang mapalawak ang kanilang kaalaman at gabay sa epektibong pagpaplano at wastong pagpapatupad ng mga procurement procedures alinsunod sa umiiral na batas.

Sa pamamagitan ng mga presentasyon, talakayan, at collaborative planning activities, matagumpay na naisagawa ang paghahanda para sa 2027 AIP habang pinagtibay ang kahalagahan ng transparency, accountability, at maayos na procurement process sa lokal na pamahalaan.