
Nagsagawa noong April 29, 2026 ng pagbisita at inspeksyon sa Leandro I. Verceles Sr. National High School (LIVHS) sina Leo Rodriguez, Mayor Honesto C. Tabligan II, at ang National School Building Inventory team bilang bahagi ng monitoring activities ng programa.
Layunin ng aktibidad na masuri at mabantayan ang kalagayan ng mga pasilidad ng paaralan sa ilalim ng National School Building Inventory Program, upang matukoy ang mga pangangailangan sa imprastruktura at masiguro ang maayos at ligtas na learning environment para sa mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng aktuwal na pagbisita sa paaralan, isinagawa ang inspection at koordinasyon kasama ang mga lokal na opisyal at school personnel para sa mas maayos na assessment ng school facilities.




