
Isinagawa noong April 20, 2026 sa Office of the Mayor, Municipality of Pandan, ang isang courtesy visit at inspection and assessment activity ng mga kinatawan mula sa National Police Commission (NAPOLCOM), Regional Office V, na sina Mr. Arnel Antonio, Police Inspector IV, at Ms. Amelie Dimapilis, Police Inspector II, kasama si Mayor Honesto C. Tabligan II.
Layunin ng aktibidad na suriin at tasahin ang operasyon ng kapulisan, tiyakin ang pagsunod sa mga pamantayan, at palakasin ang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng NAPOLCOM at ng lokal na pamahalaan.
Sa pamamagitan ng pormal na courtesy visit kasunod ang inspection at assessment procedures, natiyak ang maayos na implementasyon ng mga polisiya at ang patuloy na pagpapatibay ng seguridad at kaayusan sa munisipalidad.




