
Noong Oktubre 7, 2026, isinagawa ang Municipal Development Council (MDC) Meeting sa SB Session Hall, LGU Compound, Pandan, Catanduanes, upang talakayin ang mahahalagang usapin at programa para sa patuloy na kaunlaran ng bayan, kabilang ang Supplemental Annual Investment Program (AIP) No. 07, Series of 2026.
Pinangunahan ni Municipal Mayor at MDC Chair Hon. Honesto C. Tabligan II ang pagpupulong, sa tulong nina MPDC Secretariat Chair Engr. Rodolfo C. Icaranom at CAO I / MDC Secretary Mary Jufel F. Santelices. Dumalo rin ang mga miyembro ng konseho, mga Punong Barangay, mga kinatawan ng civil society organizations, mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. John Willy D. Tabirara, Hon. Emmanuel E. Lopez, Hon. Rynz T. Delos Santos, Hon. Florencio Rafael Herrera, Hon. Sheila Cecilia Arcilla, at Hon. Marvie Niola, gayundin si Mr. Tom Brian Capilitan mula sa DSWDโKALAHI CIDSS.
Sa naturang pagpupulong, inaprubahan ng konseho ang 2026 Supplemental AIP No. 07. Kabilang sa mahahalagang prayoridad ang mga agarang proyekto sa imprastraktura ng suplay ng tubig sa ibaโt ibang barangay bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Super El Niรฑo. Kasama rito ang mga proyektong pang-water system na suportado ng pamahalaang panlalawigan, counterpart funding para sa water system drilling sa ilalim ng KALAHI, mga proyektong flood control, at iba pang mahahalagang inisyatiba para sa komunidad.
Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at pagtutulungan ng ibaโt ibang sektor, patuloy na isinusulong ng LGU Pandan ang maayos na pagpaplano at paggamit ng mga kinakailangang pondo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan at maisakatuparan ang mga programang nakatuon sa ligtas, maunlad, at matatag na komunidad.







