
Isinagawa noong Hulyo 2, 2026 sa Red Island Hotel ang Mid-Year Performance Evaluation at Final Presentation of the Annual Investment Program (AIP) 2027, na pinangunahan ni Municipal Mayor Hon. Honesto C. Tabligan II, kasama ang mga municipal officials, department heads, at mga kawani ng Local Government Unit of Pandan.
Layunin ng aktibidad na suriin ang mga naging accomplishments at performance ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan sa unang kalahati ng taong 2026, gayundin ang pagtalakay at pagsasapinal ng mga iminungkahing programa, proyekto, at aktibidad na isasama sa Annual Investment Program (AIP) 2027.
Sa pamamagitan ng performance reviews, presentasyon ng mga accomplishment reports ng bawat departamento, masusing talakayan, at evaluasyon, nabigyang-daan ang pagsasama-sama at pinal na presentasyon ng AIP 2027. Ang aktibidad ay nagsilbing mahalagang hakbang upang matiyak na ang mga prayoridad na programa at proyekto ng munisipalidad ay naaayon sa pangangailangan ng komunidad at sa layunin ng patuloy na paghahatid ng mahusay at epektibong serbisyo publiko.








