Isinagawa noong Hulyo 2, 2026 sa Red Island Hotel ang Mental Health Empowerment Training na pinangunahan ni Municipal Mayor Hon. Honesto C. Tabligan II, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga kawani ng LGU, at iba pang inimbitahang kalahok.

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa kahalagahan ng mental health, isulong ang psychological well-being, at bigyan sila ng mga praktikal na kaalaman at estratehiya upang mapanatili ang mabuting kalusugang pangkaisipan sa lugar ng trabaho at sa komunidad.

Sa pamamagitan ng mga lecture, interactive discussions, workshops, at iba pang learning activities na pinangunahan ng mga resource speakers at organizers, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong mapalalim ang kanilang pag-unawa sa mental wellness at sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang ligtas, suportado, at mentally healthy na kapaligiran. Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng LGU Pandan na itaguyod ang holistic na kalusugan at kapakanan ng mga kawani at mamamayan ng munisipalidad.