
Isinagawa noong March 30, 2026 sa Honest Conference Room ang 1st Quarter Meeting ng Municipal Ecological and Solid Waste Management Board (MESWMB) kasama ang Technical Working Group (TWG) at mga partner stakeholders.
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng konseho at environmental personnel sa pangunguna ni Engr. James Michael G. Rojas, MENRO Designate, upang talakayin ang kasalukuyang operasyon ng Solid Waste Management (SWM) sa munisipalidad. Kabilang sa mga natalakay ang waste collection, segregation practices, recyclable waste processing, at mga hakbang para sa mas maayos na disposal system.
Sa pamamagitan ng presentasyon, pagsusuri ng kasalukuyang sitwasyon, at collaborative planning sessions, layunin ng pagpupulong na mapalakas pa ang mga programa sa waste reduction, recycling efficiency, at environmental sustainability sa Bayan ng Pandan.



