Noong Hunyo 18, 2026, isinagawa sa Office of the Mayor ang Second Quarter Local School Board (LSB) Meeting na pinangunahan ni Mayor Honesto C. Tabligan II, Chairperson ng Local School Board, kasama ang mga miyembro ng LSB, mga opisyal ng Department of Education (DepEd), at mga school administrators.

Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang usapin kaugnay ng sektor ng edukasyon, kabilang ang mga update sa mga programa ng paaralan, ang post-activity report ng Bicol Meet, mga kasalukuyang programa at inisyatibo ng DepEd, ang panukalang badyet para sa salary increase ng mga hired integrated school teachers, at iba pang polisiya bilang suporta sa mga programang pang-edukasyon sa munisipalidad.

Sa pamamagitan ng mga presentasyon, ulat, budget deliberations, at talakayan, sinuri ng Local School Board ang implementasyon ng mga umiiral na programa at naglatag ng mga susunod na hakbang upang higit pang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bayan. Ang pagpupulong ay muling nagpatibay sa sama-samang adhikain ng Local Government Unit of Pandan at ng DepEd na patuloy na maghatid ng dekalidad, inklusibo, at responsableng edukasyon para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral sa munisipalidad.