Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Arbor Day 2026, nakiisa ang Local Government Unit (LGU) of Pandan, sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Honesto C. Tabligan II, kasama sina Mr. Edward Icaro (EMS-1), Ms. Lady Lyn Aguilar, Tourism Officer, at mga kawani ng LGU, sa isang tree planting activity na isinagawa noong Hunyo 25, 2026 sa Closed Dump Site, Barangay Oga, Pandan, Catanduanes, sa pakikipagtulungan ng PENRO-Catanduanes.

Layunin ng aktibidad na isulong ang pangangalaga sa kalikasan, mapalawak ang mga luntiang espasyo sa munisipalidad, at makahikayat ng mas aktibong partisipasyon ng komunidad sa mga programang pangkapaligiran. Sa pamamagitan ng sama-samang pagtatanim ng mga puno, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang suporta sa mga hakbang tungo sa pangmatagalang pangangalaga sa likas na yaman at pagpapanatili ng balanseng ekosistema.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng LGU Pandan at ng mga katuwang nitong ahensya na maisulong ang isang mas malinis, mas luntian, at mas napapanatiling kapaligiran para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.