Isinagawa noong Oktubre 19, 2026, sa Municipal Evacuation Center ang Preliminary Briefing for the 2026 Seal of Good Local Governance (SGLG) Assessment ng Lokal na Pamahalaan ng Pandan sa pangunguna ni Mayor Honesto C. Tabligan II.

Pinangunahan ang briefing kasama si Municipal Local Government Operations Officer Ms. Katrina Roselle S. Tariman, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang tanggapan ng munisipyo. Layunin ng aktibidad na maihanda ang LGU Pandan sa nalalapit na SGLG Assessment sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga pamantayan, pagtukoy sa mga dapat pang pagbutihin, at pagtiyak na kumpleto at maayos ang mga kinakailangang dokumento.