Isinagawa noong Hulyo 1, 2026 sa Catanduanes State University (CatSU) ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing Ceremony at Joint Planning Workshop on Operational Planning and Partnership Commitment, na dinaluhan ng mga kinatawan ng Bicol University (KUGOS Team), mga opisyal ng Catanduanes State University (CatSU), at ng Local Government Unit of Pandan sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Honesto C. Tabligan II kasama ang kanyang team.

Layunin ng aktibidad na higit pang patatagin ang ugnayan ng mga institusyon sa pamamagitan ng pormal na paglagda sa Memorandum of Agreement at pagbuo ng magkakatuwang na operational plans at mga estratehiya para sa mga susunod na programa at inisyatiba. Ang partnership ay inaasahang magpapalawak ng mga oportunidad para sa mas epektibong paghahatid ng mga serbisyo at mga proyektong makikinabang ang komunidad.

Sa pamamagitan ng ceremonial signing ng MOA, collaborative discussions, at planning sessions, muling pinagtibay ng Bicol University, Catanduanes State University, at LGU Pandan ang kanilang pangako sa pagsusulong ng matatag na institusyonal na pakikipag-ugnayan at sama-samang pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kaunlaran ng komunidad.