
Isinagawa noong April 22โ23, 2026 sa San Andres, Pandan, Catanduanes ang Jigger Livelihood Training on Harvesting and Marketing Techniques for Squid na pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office V, kasama ang mga fisherfolk participants at miyembro ng lokal na komunidad.
Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga mangingisda ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa tamang paraan ng panghuhuli at pagma-market ng pusit upang mapataas ang kanilang produktibidad, mapanatili ang sustainable fishing practices, at madagdagan ang kanilang kabuhayan at kita.
Sa pamamagitan ng lectures, hands-on demonstrations sa paggawa ng jigger, practical harvesting techniques, at pagsasanay sa tamang paghawak at epektibong marketing strategies ng squid products, naging mahalagang oportunidad ang aktibidad para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga fisherfolk sa komunidad.




