
Isinagawa noong April 30, 2026 sa Honest Evacuation Hall ang isang dialogue meeting na pinangunahan ng Bicol University sa pamamagitan ng KUGOS Program, sa pangunguna ni Dr. Marcia Corazon P. Rico at ng kanyang team, katuwang si Mayor Honesto C. Tabligan II at ang mga kinatawan ng Local Government Units (LGUs).
Layunin ng aktibidad na tuklasin ang mga posibleng larangan ng partnership at collaboration para sa implementasyon ng KUGOS Program, na nakatuon sa pagsusulong ng inclusive governance, social development, at citizen engagement.
Sa pamamagitan ng mga talakayan, pagpupulong, at koordinasyon sa pagitan ng Bicol University at ng LGU, natukoy ang mga oportunidad para sa sama-samang pagpapatupad ng mga programa at proyekto na makatutulong sa pagpapaunlad ng komunidad at pagpapalakas ng partisipasyon ng mamamayan.






