Isinagawa noong April 16, 2026 sa Honest Hall, Pandan, Catanduanes, ang Provision of Technical and Advisory Services ng Department of Labor and Employment (DOLE) โ€“ Catanduanes Provincial Office sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit of Pandan sa pamamagitan ng PESO, at mga micro establishments (MEs).

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman at pag-unawa sa labor standards, gayundin ang pagpapalawak ng kamalayan sa mga programa at serbisyong inihahandog ng DOLE para sa mga maliliit na negosyo.

Sa pamamagitan ng koordinasyon ng DOLE, LGU Pandan, at PESO, naisagawa ang mga advisory sessions at technical assistance upang matulungan ang mga micro establishments na mapabuti ang kanilang pagsunod sa labor standards at mapalakas ang kanilang operasyon.