
Inilunsad noong May 6, 2026 sa Municipality of Pandan ang DENR Permitting and Other Services on Wheels ng Department of Environment and Natural Resources โ Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR-PENRO) Catanduanes, sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at ibaโt ibang stakeholders.
Kasabay nito ang kick-off ng Month of the Ocean (MOO) 2026, na sinimulan sa pamamagitan ng coastal clean-up activity noong alas-6 ng umaga sa baybayin ng Barangay Del Norte, at sinundan ng launching program at mobile frontline services mula alas-8 ng umaga pataas.
Layunin ng programa na mailapit ang mga serbisyo ng DENR sa komunidad, mapabilis ang proseso ng permits at aplikasyon, mabawasan ang waiting time, at mapalawak ang access sa environmental services habang isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan at environmental awareness.
Sa pamamagitan ng โServices on Wheels,โ naisagawa ang on-site processing ng permits at applications, pagbibigay ng technical assistance at guidance, pagsasagawa ng environmental campaigns, at pakikipagtulungan sa LGU para sa logistics, venue, at information dissemination.




