Isinagawa noong May 4, 2026 sa Office of the Mayor ang isang courtesy visit at coordination meeting kasama sina Jaquelyn R. Geromo, Project Manager, at Darry A. Dulang, Senior Engineer, katuwang si Mayor Honesto C. Tabligan II.

Layunin ng pagpupulong na pag-usapan ang koordinasyon para sa mga kaugnay na proyekto at ang paglagda sa Certificate of People Offering Deliberate Services, bilang bahagi ng pormal na proseso upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga serbisyo.

Sa pamamagitan ng courtesy meeting at talakayan, napaghandaan ang mga kinakailangang dokumento at napagtibay ang mga hakbang para sa epektibong pagpapatupad ng proyekto sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at mga kinauukulang opisyal.