Isinagawa noong April 18, 2026 sa Local Government Unit of Pandan ang aktibidad na โ€œCaring for Carers and Final Debriefingโ€ sa ilalim ng Aksyon K: STY Fung-wong Emergency Response to the Province of Catanduanes, na may layuning suportahan ang mga facilitators at frontline responders sa pamamagitan ng psychosocial processing at well-being enhancement.

Dinaluhan ito ng mga facilitators at frontline responders, kasama ang mga kinatawan mula sa MDRRMO, MSWDO, Red Cross, at PDAO, sa pakikipagtulungan ng Kindernothilfe Philippines.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng ligtas na espasyo para sa mga responders upang maiproseso ang kanilang mga karanasan, mapalakas ang kanilang mental health at psychosocial well-being, at masuri ang implementasyon ng Psychological First Aid (PFA), kasama ang pagbabahagi ng mga insight, hamon, at natutunan mula sa aktuwal na pagtugon sa emerhensiya.

Sa pamamagitan ng structured debriefing session at psychosocial support activities, napalakas ang koordinasyon at suporta sa mga responders upang mapanatili ang kanilang kalusugan at kahandaan sa mga susunod na emergency response operations.